FIRST MOVIE NINA COCO AT JULIA NA A MOMENT IN TIME NOW SHOWING!

11:27:00 PM


Perfect movie date ang handog ng Star Cinema sa lahat, lalo na sa fans nina Coco Martin at Julia Montes, ngayong Valentine's month dahil ang pinakaaabangang first big screen team-up ng phenomenal love team na "A Moment In Time" ay ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa darating na February 13 (Wednesday).

Ayon kina Coco at Julia, swak sa Araw ng mga Puso ang "A Moment In Time" dahil sa punong-puno ito ng pagmamahal. "This time, gusto naming magpakilig, magpa-in love at mang-inspire ng bawat manonood. Sa movie kasi, iibahin ko ang mundo ng karakter ni Julia na Jilian. Tuturuan ko siya kung paano mabuhay," kwento ni Coco. "Di ba 'pag may boyfriend o girlfriend ka, mlnsan may mga bagay kang nagagawa na kahit alam mong labag 'yun sa prinsipyo mo ay gagawin mo pa rin dahil in love ka. At 'yung mga bagay na 'yun ang dapat abangan sa movie."


Dagdag ni Julia, sa love story nina Jilian (Julia) at Patrick (Coco) sa 'A Moment In Time' ay kapwa mararamdaman ng moviegoers ang saya, excitement at sakit ng tunay na pag-ibig. "Tungkol siya sa dalawang taong nagmamahalan na sa gitna ng maraming conflicts nila ay mapapaisip ang moviegoers kung sa ganoong sitwasyon ay ano ang susundin mo~puso mo ba o isip mo," ani Julia. "Hindi lang love ng teenagers ang tina-tackle ng movie kundi maging 'yung relationships at challenges sa family kapag may dumarating na mga problema."
Kapwa inamin nina Coco at Julia na nakaka-relate sila sa roles nilang sina Patrick at Jilian dahil sa pagkakapareho nila sa ugali at paniniwala. Ani Julia, "Pareho kami ni Jilian na sweet at ma-effort pagdating sa love. Pareho din din kami na laging nagpu-prove ng sarili na iba 'yung nakikita o naiisip ng tao sa akin sa totoong ako."

Para naman kay Coco, sa pamamagitan ni Patrick ay maipapakita niya sa mga manonood ang ibang side ng sarili niya. "Madalas na nilang akong nakikitang seryoso, umiiyak, at galit na galit. This time, makikita nila ang isa pang parte ng pagkatao ko," sabi ni Coco. "Kadalasan sa lahat ng mga soap opera o pelikula na ginagawa ko ako 'yung nagre-react,ako yung suplado, ako 'yung hard-to-get. Dito sa 'A Moment In Time' baligtad naman, ako naman 'yung masiyahin, jologs, kalog. Basta kakaiba!"


Kung may malaking aral man tungkol sa pag-ibig na matututunan sa 'A Moment In Time,' ito, ayon kina Coco at Julia, ay ang ipaglaban ang dedisyong ginawa mo. "Hindi lang sila kikiligin at maiiyak sa movie, matututo din silang manimbang kung ano nga ba 'yung ipaglalaban nila, 'yung taong minamahal nila o 'yung kapakanan ng mas nakararami," ani Julia.

"Sa buhay naman kasi, tayo ang nagde-desisyon sa lahat, lalo na kung paano mo pangangalagaan ang isang bagay tulad ng isang relasyon. Choice na ng tao 'yun kung paano natin aalagaan o kung gusto mo ba siyang mawala o hindi," pahayag naman ni Coco.
Tulad nina Coco at Julia, proud na proud rin ang direktor na si Emmanuel "Manny" Palo sa naiibang kwento ng "A Moment In Time."

"It is a story about a couple who met and fell in love na biglang may nangyari sa kanilang past na magiging hadlang para ipagpatuloy nila ang kanilang relasyon," kwento ni Direk Manny. "Sabi nga sa pelikulang ito: 'love can happen by chance, but love can also be lost by choice.' Kasi minsan may mangyayari sa buhay mo na hindi inaasahan at 'yung pangyayaring iyon ang maaaring magbago sa buhay mo."

Samantala, pawang masaya rin para kina Coco at Julia ang mga de-kalibreng aktor na kasama nila sa "A Moment In Time." Para kina Gabby Concepcion at Cherie Gil na gumaganap sa pelikula bilang mga magulang ni Jilian, magaan katrabaho ang phenomenal love team.

"They're nice to work with, magaan. Para silang mag-barkada talaga. I think they've been obviously working a lot together already so they're very relaxed," sabi ni Cherie. "I'm enjoying Julia very much because there's a lot of instinctive potential in her and she's very sensitive, down to earth, focused, and masaya."


Dagdag naman ni Gabby, "Bagay sila Coco at Julia sa isa't isa. Okay katrabaho ang tambalan nila dahil wala kaming hassle sa set and everything was smooth sailing."
Tampok rin sa "A Moment In Time" sina Cherie, Gabby, ZsaZsa Padilla, Ella Cruz, at ang kambal mula sa PBB Teen Edition 4 na sina Joj at Jai Agpangan.

Huwag palampasin ang unang pagtatambal sa pelikula at ang pagpapatuloy ng 'walang hanggang' ningning nina Coco at Julia, "A Moment In Time," mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa February 13, 2013.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "A Moment In Time," bisitahin lamang ang 


You Might Also Like

0 comments