Bromance "My Brother's Romance" May 15 na!

9:42:00 PM


Sa ilalim ng direksyon ng box-office comedy director na si Wenn V. Deramas,
ang Bromance: My Brother’s Romance ang una ding pagkakataon na magbibida sa isang pelikula si Zanjoe kung saan isang dual role bilang kambal—na ang isa dito ay bakla—ang gagampanan niya,kaya’t tunay na kaabang-abang ang pelikulang ito!

Iikot ang Bromance: My Brother’s Romance sa kuwento ng kambal na sina

Brando, isang macho na lalake, at ang baklang si Brandy. Dahil hindi
matanggap ni Brando ang pagiging bakla ng kakambal, magdedesisyon
itong mabuhay ng mag-isa at magtatayo ng talyer, pero malulubog siya
sa utang. Si Brandy naman ay magiging isang successful interior
designer.


Patuloy sa pagtahak ng hiwalay na landas ang magkapatid, hanggang sa

hilingin ng nanay nila na magkasundo uli sila. Dahil dito, pupuntahan ni
Brandy si Brando para makiusap sa kapatid na bumalik sa kanila. Pero
bago pa magkasundo ang dalawa ay maaaksidente at mawawalan ng malay si
Brandy.

Habang nasa coma si Brandy, malalaman ni Brando na bago pala nangyari

ang aksidente, may nagsarado si Brandy ng deal sa isang kliyente na
nagkakahalaga ng milyon-milyon, at hindi puwede na basta-bastang
mawala si Brandy sa eksena. Sa takot ni Brando na lalong magkagulo
kapag nalaman ng kliyente ang nangyari sa kanyang kapatid,
nag-desisyon si Brando na magpapalit muna sila ng identity ng kanyang
kambal. Kaya’t ang dating macho at maporma na si Brando ay biglang
naging—si Brandy!


Malaking adjustment para kay Brando ang identity-switching, pero

habang tumagal ang pagpapanggap niya, na-realize nito na hindi lang
pala solusyon sa problema niya sa pera ang hatid ng kambal sa kanya:
mukhang ito na din ang magiging daan para magkaayos sila ng dati
niyang nililigawan na si Erika (Cristine Reyes), na matalik na
kaibigan ni Brandy.

Ngayong bumaliktad na ang mundo, may pag-asa pa ba na maibalik sa dati

ang lahat? Maayos ba ang problema ng magkapatid? Mabubuking ba ang
nagpapangap na si Brando? Abangan ang sagot kapag dumating na sa mga
sinehan ang Bromance: My Brother’s Romance sa May 15. Ang
“Karakaraka”, ang single mula sa dance album ni Vice Ganda ang theme
song ng pelikula.

Kasama din sa Bromance: My Brother’s Romance sina Arlene Muhlach, Joy

Viado, Manuel Chua, Boom Labrusca, Joey Paras, Lassy, Nikki Valdez,
Maricar De Mesa, Abbie Bautista, Carlo Romero and Jeff Luna.

Watch the official trailer here:


Like the Official Facebook Page of 'Bromance'

You Might Also Like

1 comments