"TUHOG" NG SKYLIGHT FILMS, BASE SA TOTOONG BUHAY?

7:20:00 PM


23 days lang mabubusing nilikha ng Skylight Films ang kontrobersyal na 'maindie' (mainstream-indie) drama movie offering na pinagbibidahan nina Enchong Dee, Jake Cuenca, Empress, Leo Martinez, at Eugene Domingo, ang "Tuhog" na 
mapapanood na sa July 17.

Ayon sa Cinemalaya award-winning director na si Veronica "Ronnie" Velasco, naging 'very fulfilling' ang experience niya sa paggawa ng "Tuhog" dahil sa kakaibang challenge na ibinigay nito sa kanya bilang writer at direktor.

"On a scale of 1 to 10 as how proud I am about this film? I can say na 12 kasi ang hirap-hirap gawin ng pelikulang ito. Actually, hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako na nagawa namin siyang tapusin in 23 days despite all the logistical nightmares," sabi ni Direk Ronnie. "Nung sinusulat namin ito ni Jinky Laurel, it seemed like a good idea on paper but getting it on the screen, ibang kuwento 'yun! Ito na siguro ang pelikulang pinaka-proud ako kasi hindi ko akalain na magagawa ko siya."

Ibinahagi pa ni Direk Ronnie na dati pa niya naisip ang kwento ng "Tuhog" at laking pasalamat niya na nagustuhan ng Skylight Films ang ideya.


"Nasa isip ko na siya early 90's pa kasi I came across this tabloid picture na may several bus passengers na natuhog sa isang construction pole dahil sa isang freak road accident," aniya. "From the start, it was a challenge to pitch, to produce, and to write this movie. Kapag iisipin mo kasi, it's about a bus accident, so ano ba ito? Horror? Pero hindi. It's a daring drama movie about family na seryoso ang tema pero mag-e-enjoy ka."
Samantala, ipinagmamalaki rin naman ni Direk Enrico Santos, executive director ng Skylight Films, ang pagkakataong ibinigay sa kanila na maging bahagi ng pagdiriwang ng 20th anniversary ng ABS-CBN Film Prouductions.

"Tuhog" is our little anniversary gift for the 20th anniversary of ABS-CBN Film Productions," pahayag ni Direk Enrico. "Aligned with our anniversary tagline, 'Magkuwentuhan Tayo,' the Skylight label would like to give the same classic stories of love, family, friendship and life the Skylight 'brand of storytelling—may konting spice, may konting sipa, may konting liko ng daan sa pagkikuwento."



Paliwanag ni Direk Enrico, title pa lang ng pelikula ay napakaganda na. "Marami ang ibig sabihin ng tuhog. Pero para sa akin, naganap ang 'pagtuhog' sa tatlong tuhog-tuhog na istorya ng pagmamahal," sabi niya. "Maaaring mysterious ang pagkakakuwento pero kailangang mapanood ng moviegoers dun mismo sa big screen para makita nila ang sinasabi namin."

"Ang pinakatumutuhog na mensahe dito ay minsan lang tayo mabubuhay, hindi natin alam kung kailan ito biglang manganganib at hindi natin alam kung malulusutan natin ang panganib na ito. Kung ganito ang buhay, gaano ba ka-importante ang magmahal? Dapat bang pigilin mo pa o ilubos mo na dahil baka naman maging huli na ang lahat," ani Direk Enrico.

Ang "Tuhog" ay tungkol sa mga ordinaryong tao na naging bahagi ng isang ekstra-ordinaryong sitwasyon. Ito ay kwento ng pag-ibig, buhay at pag-asa at ng tinuhog na mga buhay ng masungit na konduktora na si Fiesta (Eugene); retiradong maghahanap ng

kahulugan ng buhay niya na si Tonio (Leo); at si Caloy (Enchong), ang binatang pinangalagaan ang kanyang virginity para sa kanyang girlfriend.

Huwag palampasin ang kuwento ng pamilya, pag-ibig at pag-asa ng tatlong buhay na tinuhog ng tadhana at magpapaalala sa lahat kung ano nga ba ang tunay na mahalaga sa buhay, "Tuhog," mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa July 17, 2013.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "Tuhog," bisitahin lamang ang www.starcinema.ciom.ph, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.


You Might Also Like

0 comments