Magpakailanman: Alab ng Puso: The Nicky Nacino Jr. story”

9:31:00 PM

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, Rocco Nacino and Kris Bernal give tribute sa buhay at pag-ibig ni PO2 Nicky Nacino, Jr.—isa sa special armed forces na nasawi sa Mamasapano incident.

Tulad ng marami, nagimbal, nadismaya, at nalungkot si Rocco Nacino nang mabalitaan niya ang nangyari sa Mamasapano a few months ago.Lalo pa nang malaman niya na isa sa mga kasamang napaslang ay ang kamag-anak niyang si Nicky Nacino, Jr. 

Kaya naman mahalaga sa kaniya na maibahagi ang kuwento ng buhay ni Nicky, hindi lang bilang kamag-anak niya, kung ‘di bilang isang anak, isang ama, at isang asawa.

Magsisimula ang kuwento ni Nicky bilang isang guro. Isang guro na may pangarap magsilbi sa bayan sa ibang paraan: bilang pulis. Pero simula pa lang ng kaniyang paglalakbay ay parang hinaharang na si Nicky sa kaniyang magiging kapalaran: mula sa pagtutol ng kaniyang ina, hanggang sa kapaguran ng kaniyang ama sa mga natatanggap na rejection ni Nicky.

Iba’t-ibang balakid ang hinarap ni Nicky; pero hindi siya nagpatalo.
At dito niya nakilala si Roselle, ang babaeng iibigin niya ng lubos—
at ang babaeng tutupad sa pangalawa niyang pangarap:
ang magkaroon ng pamilya.

Pero sa anong kapalit?

Ngayong Sabado, alamin kung paano natupad ni Nicky ang kaniyang mga pinangarap sa buhay bago niya natanggap ang summon na magtungo sa Mamasapano.

At kung paano ngayon ang kaniyang mag-anak, ang kaniyang asawa, at ang kaniyang anak sa episode na:“Alab ng Puso: The Nicky Nacino Jr. Story.”

Itinatampok sa episode na ito sina: Kris Bernal, Glenda Garcia, Ken Chan, Mymy Davao, Simon Ibarra, Art Acuna, Arny Ross, at si Rocco Nacino bilang Nicky Nacino, Jr.;
sa ilalim ng masugid na direction ni Albert Langitan, mula sa script ni Aloy Adlawan, based sa research ni Angel Lauño.

Magpakailanman airs this Saturday, April 18, after Pepito Manaloto.

You Might Also Like

0 comments