I Juander’s 4th Anniversary Palawan Special May 13, 2015

10:10:00 PM

Apat na taon na ang I Juander!  Ngayong Mayo, ipagdiriwang namin ito sa aming 2-part Special Palawan Episode ngayong May 13, at 20, 2015.

Sa Unang bahagi ng Palawan Special, tutuklasin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang mga natatagong yaman ng Palawan at kung bakit nga ba ito ang tinaguriang last frontier ng bayan ni Juan. 
  
Samahan si Susan sa kanyang lake hopping adventure.  Ang dalawa sa kanyang pupuntahan, ang pinaka malinis na lawa sa buong Pilipinas.  At ang lawa na pinamumugaran umano ng mga isdang barracuda.
  
Sisisirin naman ni Cesar ang pusod ng karagatan ng Coron para hanapin ang mga barkong lumubog noon pang World War 2.  Ano kayang mga kuwento ng kasaysayan ang kanyang matutuklasan? Abangan din ang close encounter niya sa mga dugong at pawikan.
   
Mag-empake at maki-join na sa Coron Island adventure nina Susan at Cesar ngayon Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.  At samahan silang sagutin ang tanong ni Juan:

I Juander, bakit binansagang Philippine's Last Frontier ang isla ng Palawan?

You Might Also Like

0 comments