Phenomenal Love Team ALDUB: Alden Richards & Maine Mendoza on Tonight with Arnold Clavio February 17 & 24

6:09:00 AM

Ngayong Miyerkules, tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng buwan ng mga puso sa TWAC! Tiyak na mapupuno ng kilig-kwentuhan ang inyong gabi at mapapa-'Aldub You' kayo, dahil sa mga espesyal na panauhin ni igan Arnold Clavio - walang iba kundi ang tinaguriang 'Phenomenal Love Team' na ALDub, na binubuo nina Alden Richards at Maine 'Yaya Dub' Mendoza!

Matatandaang sa mga nakaraang pagbisita ni Alden sa TWAC, 'Tay' kung tawagin ni Alden si igan Arnold Clavio. Kaya naman sa Miyerkules, tila may pormal na pagpapakilalang magaganap sa pagitan nilang tatlo! Ano naman kaya ang masasabi ni igan tungkol kay Maine? 

At sa mga inihandang pakulo ni igan, kung saan mabubuking na raw ang tunay na nararamdaman ng dalawa para sa isa't isa, tiyak na kikiligin ang buong Aldub Nation!
Tulad ng challenge na 'Sino ang Mas?'  kung saan malalaman natin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng ugali, mga gusto at ayaw nina Alden at Maine. Sino nga kaya sa dalawa ang mas sweet, mas makulit, mas matampuhin at marami pang iba.

Abangan din ang matatamis na mensahe nina Alden at Maine para sa isa’t-isa, sa masaya at nakakikilig na 2-part interview na ito. 

Makilahok sa nakatutuwang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #ALDUBYOUTWAC #ALDUBONTWAC!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, ilike ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio

February 17 & 24, 10:15 pm

You Might Also Like

0 comments