Day Off Kicks of with New Hosts: Janine Gutierrez and Ken Chan

By 8:01:00 PM , , , , , , ,

Simula February 18, mas magiging exciting at masaya pa ang Sabado ng gabi dahil makakasama na si Philippine Fashion Muse Janine Gutierrez at Kapuso actor Ken Chan bilang bagong hosts ng Day Off.

Ang mga bago nating katropa ang magbibigay ng katuparan sa pinapangarap na pahinga ng ating masisipag na kababayan! Ang reward sa kanilang pagod, Day Off!

Unang unang papalarin ang tower crane operator na si Dodong! Mahigit isandaang talampakan ang inaakyat niya araw-araw para sa kanyang trabaho! Umulan man o umaraw, kalaban niya ang lula pati na ang malakas na hangin. Buwis buhay ang bawat hakbang niya sa tuktok. Pero para sa Day Off winner na si Dodong Dizon, basta sa pamilya, hindi ito hadlang para magampanan ang kaniyang trabaho bilang tower crane operator.

Challenge accepted para kay Janine ang trabahong ito na gagawin niya sa isang araw. Dito mauunawaan ng Kapuso actress kung gaano kabigat ang trabahong hinaharap ng ating mga bayani sa araw-araw. Matinding pagkahilo at pagkatakot ang mararanasan niya para tapusin ang trabaho. Sasamahan naman ni Ken si Dodong para makapag-relax at makapag-enjoy kasama ang kanyang buong pamilya. Hindi rin sasayangin ang araw na ito para makita nang personal ang idol ni Dodong na si Dingdong Dantes.

Third year high school lang ang natapos ni Dodong dahil panay ang liban niya noon sa klase para makasama ang barkada sa inuman. Pero simula nang nagkaroon siya ng pamilya, nagbago raw bigla ang kaniyang pananaw sa buhay. Natuto siyang maging responsable at nagsimulang mangarap para sa mga mahal sa buhay. Karpintero ang unang trabaho ni Dodong hanggang matutong maging rigger o taga-senyas sa crane operator at ma-promote bilang crane operator. Hindi nga raw magawang umabsent ni Dodong sa kaniyang trabaho kaya naman binigyan siya ng parangal ng kanilang kompanya. Para kay Dodong, ang lahat ng sakripisyo ay alay niyasa kanyang pamilya lalu na sa dalawa niyang anak na may sakit.

Isang maaksyong hapon ang dapat niyong abangan kaya naman huwag palalampasin ang panonood ng bago at mas pinagandang Day Off, Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV.

You Might Also Like

0 comments