People VS the Stars April 9 Episode: Guests are Janine Gutierrez, Mikael Daez & Jerald Napoles

12:52:00 AM

A team of STARS whose goal is to win.  An entire nation who wants them to lose. 
                             Eight questions.  ₱200,000 at stake. Whose side will luck be on?

People Vs The Stars ang inyong favorite Kapuso game show, ang official supplier ng bago at all original na timpla ng saya at excitement, garantisado-sigurado, freshly delivered ng pambansang Sunday sweethearts ang TEAM IYA-DREW! 

Kada episode, tatlong STARS ang sanib pwersang sasabak sa pagsagot sa walong tanong. 
Bawat question may katapat na cash prize. Kapag mali ang STARS, ang perang ‘di nila nakuha automatic, agad-agad sa PEOPLE mapupunta. 

Sa madaling salita, bawat Linggo, ang MINTIS ng STARS, ay PANALO ng TELEVIEWERS!
This week, it’s PEOPLE vs. the STARS of ‘Legally Blind,’ Mikael Daez and Janine Gutierrez with funnyman Jerald Napoles! Masusungkit na nga kaya ng TEAM STARS ang P200,000.00?  

Sa Brain Buster masusubukan ang teamwork at stock knowledge sa Philippine geography ng ating celebrity players! 

Di ba, mag-e-enjoy ka na, may chance pang makihati sa pot money ng PEOPLE which is just one text away! Sagutin lang ang PEOPLE Question of the Week sa dulo ng bawat episode at isa sa apat na lucky home viewers na tumutok, nag-text, at posibleng magwagi! Kaya abangan kung kaninong pot money ang mas papalo, sa PEOPLE ba o sa STARS? 

Kung sa iba, the PEOPLE will cheer for the stars; dito, they will root against them! Kaya naman bawal ang uwian dahil dito linggo-linggo may panalo!

Kapit lang mga beshies, dito walang echapwera, sama-sama pa rin tayo sa pambansang lunas sa inyong weekend afternoon boredom, ang tax-free na saya! 

Mag-e-ENJOY ka na, 
MANANALO ka pa! 
Every Sunday, 5PM.
Pagkatapos ng Kapuso Movie Festival!

You Might Also Like

0 comments